Ang pagsusuri sa pag-asa sa gobyerno (public charge test) ay ginagamit ng mga opisyal ng imigrasyon sa ilang mga sitwasyon upang magpasiya kung bibigyan ang isang tao ng isang visa o green card. Tinitingnan nito kung ang tao ay malamang na pangunahing aasa sa tulong ng gobyerno sa hinaharap.
Kapag inilapat ng mga opisyal ng imigrasyon ang pagsusuri na ito, tinitingnan nila ang maraming bagay, kabilang ang edad, kita, kalusugan, edukasyon o kasanayan ng tao, sitwasyon ng pamilya, at ang kanilang kontrata sa isang sponsor.
Ang mga pampublikong benepisyo ay isa lamang sa mga kadahilanan. Ang paggamit ng mga pampublikong benepisyo ay hindi awtomatikong magreresulta na hindi pumasa ang isang tao sa pagsusuri sa pag-asa sa gobyerno (public charge test).